Sunday, February 3, 2013

Mahiwagang Pagtawag

Mahiwaga talaga ang pagtawag satin ng Ama sa kanyang Iglesia, minsan napakabigat ng kapalit, ang pamilya mo, ang buhay mo, ang sarili mo, halos di mo makaya, minsan may nangyayari na yun pala ang dahilan kung bakit ka tinawag malalaman mo nalang pag nasa loob kana ng Iglesia,

Hindi tayo ang lumapit sa Kanya, ang Ama ang tumawag sa atin upang maging kanyang bayan, napakabuti talaga ng Ama, walang kasing buti. Kapalit man nito ay dati mong buhay sa labas na puno ng karangyaan at kalayawan na nagpapasaya sa sanlibutan. ang hirap diba? pero may pangako ang Diyos, Sya pa ang nangako, grabe pagmamahal ng Ama, ikaw na tinawag, ikaw pa ang pangangakuan, aalalayan ka ng Panginoon sabi Nya. (1cor 1:8)  kalakasan, katatagan at kaaliwan ang ipagkakaloob Nya,


Mahirap ang mga pagsubok pero di ka Nya pababayaan hanggang malampasan mo ang mga pagsubok kahit sa isip mo gusto mo nang umuron dahil sa persekyusyon, bibigyan ka Niya ng tapang at di ka pababayaan " Sabi Nya, magpaka~tapang kayo, lakasan ninyo ang inyong loob, huwag kayong matakot sa kanila pagkat sasamahan kayo ni Yahweh hindi Nya kayo pababayaan (deu 31:6) at lubus na kaligayahan sa piling ng Ama, ang iyong matatamo


Paminsan minsan mararamdaman mo ang sakit at hirap dahil may naiwan ka sa labas ng Iglesia at di mo sila nakasama, pero may pag~asa na balang araw makakasama mo din sila.

Puno ng pagsubok ang Iglesia pero. may kagalakan sa gitna man ng pagsubok (James 1:2-4) punung puno ng pag~asa, yan ang nagpapatatag sa mga Iglesia Ni Cristo, Pag~asa at Pananampalataya. Pag~asa na marating ang Bayang Banal at doon manahan kasama ng Ama at ng Panginoong Jesus Cristo.

No comments:

Post a Comment