Sunday, February 3, 2013

Kahanga-hanga

Kahanga hanga talaga ang Bahay Sambahan o Kapilya ng Iglesia Ni Cristo.

Maliit pa akong bata ay hinahangaan ko na ang mga Sambahan o Kapilya ng Iglesia Ni Cristo, inasam ko rin dati na makapasok sa loob pero di pala ganun kadali yun, gusto ko lang naman makapasok at makita ang loob, maganda sa labas malamang maganda din sa loob, pero takot ako kasi nung mga panahong yun iba ang tingin na tao sa Iglesia Ni Cristo, tingin na dahil sa mga nababalitaan ko na ang mga Iglesia Ni Cristo ay di madaling lapitan, dahil pormal na pormal pag sumamba, matatapang at matataas, kaya dati pag may nakilala akong Iglesia iniiwasan ko na agad,

Mali pala ang nailagay sa isip ko nung bata ako tungkol sa Iglesia dahil nga bata tanggap nalang ng tanggap kung anu sabihin ng matatanda, saradong katoliko pa naman ang mga magulang ko,

Hanggang sa ako ay lumaki taglay ko pa din ang paghanga sa mga kapilya ng Iglesia, Kapilya - ito talaga ang tawag sa mga Bahay Sambahan ng Iglesia Ni Cristo.

Kahit iba pa ang relihiyon ko dati, tuwing may madadaanan akong Kapilya napapatigil talaga ako, sabi ko magaling talaga ang Iglesia inaalagaan at pinapaganda ang kanilang Bahay Sambahan o Kapilya, kung mahigpit man sila sa pagbibigay o abuloyan ay sulit naman dahil sa ganda ng kanilang simbahan,

Dati kasi sabi ng iba mahigpit daw sa pagbibigay o abuluyan ang Iglesya dapat daw 10 percent talaga ng kita ang ibibigay mo, tatanggalin ka daw pag dika nakabigay, sabagay tama lang naman ang 10 percent kasi yun naman talaga ang nasa bibliya at kung tutousin sulit naman sa ganda at laki ng simbahan ng Iglesia pero yung tatanggalin ka daw mali yun di ka tatanggalin.

Ngayon nandito nako lalo akong humanga sa Kapilya ng Iglesia, maganda talaga pati ang loob. Hindi ito para sa tao kundi para sa Diyos dapat lang alayan ng napakagandang sambahan o kapilya.

Ang sistema ng pagsamba at ang mga sumasamba nasa maayos, maayos na kasuotan minsan nga ang pinakamaganda pang damit ang isinusuot, tama lang naman dakila ang Diyos na sinasamba natin, kataas~taasang Diyos nakakahiya kung haharap tayo sa kanya ng di maayos,

Dapat presentable kahanga hanga ang Ama kaya dapat maging kahanga hanga din ang mga alay at pagsamba sa kanya. Maayos na pagsamba at maayos na bahay sambahan para sa ating Ama.

No comments:

Post a Comment